Overheard at the carwash. Conversation between Carwash owner and Kalbong customer.Carwash Owner: pre ano, napaayos mo na yung bangga mo
Kalbong Customer: dude indi pa, busy pa sa karera last week---tsaka kulang pa sa moolah
Carwash Owner: (obviously doing the sales pitch) dito mo na lang paayos pre, tirahin ko na yung harap tapos kung gusto mo likod saka na lang
Kalbong Customer: ah wag muna kasi may ka grupo na ko sila daw aayos eh
Carwash Owner: ah ok....sila ba yung kasama mo kahapon, yung ___________ of the_______?
Kalbong Customer: Iba pa yun dude...siya nga pala kung may kilala ka papa set up ng mini cooper sila na lang ha, discount tayo dun tsaka pulido sila gumawa
Carwash Owner: marami ako kilala pre gusto pa set up nung expedition nila
Kalbong Customer: naku dude mahal na gasolina ngayon..pabenta mo na lang expedition nila---may mga kilala rin ako buyer. O kung gusto mo naman pajero na lang, may binebenta mga tropa ko
Carwash Owner: di ba pre intercooler turbo yun
Kalbong Customer: actually dude parepareho yan, sa hangin lang nagkakatalo yan, yung turbo mas malamig lang ang intake niyan
Carwash Owner: huh? talaga
Kalbong Customer: Actually subukan mo, ako kasi yung auto ko pag nasa baguio at tagaytay ang ganda ng ride at handling....tumutulin at walang kahirap hirap ang makina...kaya yang turbo myth lang yan...lahat ng auto pwede maging turbo basta malamig lang ang klima
Busted ba or confirmed--- "pinoy kamot ulo" or "pinoy na tambay naging expert na" edition